Author Archives: Carmen

Even Apple thinks poetry rocks!

We don’t read and write poetry because it’s cute. We read and write poetry because we are members of the human race. And the human race is filled with passion. And medicine, law, business, engineering – these are noble pursuits and necessary to sustain life. But poetry, beauty, romance, love – these are what we stay alive for.

To quote from Whitman,

“O me, O life of the questions of these recurring. Of the endless trains of the faithless. Of cities filled with the foolish. What good amid these, O me, O life? Answer: that you are here. That life exists and identity. That the powerful play goes on, and you may contribute a verse.”

“That the powerful play goes on, and you may contribute a verse.”

What will your verse be?

Read more: Apple’s Latest Ad Is Probably Going to Give You Chills | TIME.com http://business.time.com/2014/01/13/apples-latest-ad-is-probably-going-to-give-you-chills/#ixzz2qP4SgPzE

Katig by Kenneth Dela Rosa

Sukat (taludtod): Labing dalawahan
Panangga ka sa bigwas ng bawat agos
Asa sayong tatag tuwing papalaot
Paulit – ulit man kitang nilulublob
Pasasalamat ko naman sayo’y lubos

Isa sa kaliwa at isa sa kanan
Ang kinalalagyan iyong tinitimbang
Nakatindig sa gitna ng katubigan
Patungo sa orisenteng walang hanggan

Maya maya’y hininto ang pagbulusok
Binuhol linya’t sima sabay nilubog
Itsa, angat ng tila malaking sapot
Habang ika’y babad kapiling sa pagod

Haring araw alboroto’y tataguan
Ngunit ikaw subasko’y ‘di susukuan
Lumalaban ka kahit pa sa hampasan
Marunong pang sumunod sa pagduduyan

Sagwan, katawan, motor kawaya’t angkla
Bawat isa may kanya kanyang halaga
Mawala ang isa, isa lang ang suma
Ngunit katig ikaw ang suportang bida

Ina ng Aking Buhay ni Ma. Cristina Adigue

Ina, Ina, Oh minamahal kong ina
Ang babaeng sa buhay ko’y mahalaga
Mas mahal pa sa mga diyamante sa kweba
Mas marikit pa sa umagang kay ganda

Araw man o gabi lagi kong naaalala
Ang iyong mga lambing nang ako ay bata pa
Ang iyong mga sermon na minsa’y masakit sa tenga
Ang iyong pagmamahal na napakasarap naman talaga

Sa iyong pagmamahal ako ay lumaki
Sa iyong mga yakap lungkot ko’y napapawi
Sa iyong mga salita ako’y iyong napapangiti
Wala kang tulad ina kong napakagiting!

Oh ina ika’y parang isang bituin
Ang iyong mga mata ay walang kasingningning
Sa tuwing ang buhay ko ay nababalot ng dilim
Ika’y nasa puso ko at talagang tumatagingting

Kahit ang buhay mo ay handa mong ilaan
Kahit ang sarili mo ay handa mong pahirapan
Ipagtatanggol kami ng buong tapang at laban
Wala kang tulad ina kong pinakamamahal

Lagi mo itong pakatatandaan, Mama
Maging pilosopo ka man tulad ni Vice Ganda
Maging mataba ka man tulad ni Buddha
Maging kasinglaki mo man si Salbakuta

Maging superhero ka man tulad ni Darna
Maging kasingyaman mo man si Nanay Dionisia
Mamahalin ka pa rin namin ng sobra-sobra
Maging sino o ano ka man Oh aming ina

Sa iyong pagmamahal ako’y nabuhay
Namutawi sa puso ko ang pag-ibig mong tunay
Kaya pag ika’y nawala, puso ko’y malulumbay
At ang buhay ko’y mawawalan na ng gabay

Gabay ng aking buhay na walang saysay
Ng dahil sa’yo ito’y napuno ng mga kulay
Kulay na sa puso’t kaluluwa ko’y nagpabuhay
Sa buhay kong parang lantang bangkay

Kaya naman ang tulang ito sayo’y nilalaan
Bilang isang papuri sa mga inang karangal-rangal
Mga ina na nagsakripisyo at sa ami’y nag-alaga
Nag-alaga ng buong buhay at ng buong tiyaga

Muli ikaw ay aking binabati
Oh aking ina ikaw ay tunay na nagwagi
Pagkat kami’y iyong maayos na palaki
Maraming salamat ina kong giliw