Rooftop love affair “Second confession” ni Michelle Erbito

Home / Lit / Rooftop love affair “Second confession” ni Michelle Erbito

Napaisip si Sha habang nakatingin sa ulap at tila nagbibilang ng mga bituin. Two weeks to go na lang at darating na galing Canada si Aaron,her first love but this guy doesn’t even know what she feels for him. Isa ito sa mga malapit niyang kaibigan at malapit rin sa puso niya.

He’s a high school friend,mabait at gwapo. Five years na din ang nagdaan pero kahit kailan di nagbago ang feelings ni Sha para sa binata. Sa araw ng pagbabalik ni Aaron ay mismong birthday na rin nito. How could she forget that day? Pinagtanong tanong lang naman niya sa mga kakilala ang birthday nito dahil di pa naman famous ang fb noon at dahil feeling ancient siya dati ay di siya gumawa ng kahit anong acount sa social networking sites.

“Hoy Sha!” kundi pa siya kinalabit ng ilang beses ni Jane na bestfriend niya ay di pa siya matitigil sa imahinasyon niya.

“Huh?kanina ka pa ba nandito?” tila wala pa siya sa realidad dahil di niya rin narinig na tinatawag na siya kanina pa ng kaibigan.

“Kaninang-kanina pa.” umismid lang ito.

“Si Aaron uuwi na pala dito.”

“Speaking of Aaron.Magkikita pala sila ng jowa niya. Si Paula.”

Na-shock si Sha sa narinig. Ang pinapangarap niyang si Aaron ay may mahal na palang iba. Masakit. This one sided love affair could easily break her heart into pieces.

“Weh?Di nga? Si Paula? Yung number one bully na syota ng bayan?” hindi siya makapaniwala,taste pala ni Aaron ang mga ganung babae. Nakaka-turn off naman.

“Sabi kasi ni Aaron. Si Paula daw ang taong laging gumagawa ng mabuti sa kanya. Bruhang yun! Kinuha niya lang naman yung ginawa mong cookies para kay Aaron tapos sinabi niya kay Aaron siya gumawa nun. And remember Sha! Yung earthquake drill natin,nung nag-collapse si Aaron dahil may sakit pala,sinabi ni Paula na siya daw yung nagdala kay Aaron sa clinic! Hay naku!”

Mas mukhang naiinis pa si Jane na nagkukwento. Napabuga lang ng hangin si Sha. Oo,nakakainis talaga ang babaeng si Paula. Ito lang naman ang isang kontrabida sa buhay niya. Sinira lang naman nito ang plano niya noon na mag-confess ng feelings para kay Aaron. The first day of November,halloween day,when she prepared a slightly romantic mix with halloween theme decors in every part of their school rooftop at Midnight Sun Academy. Naglaan siya ng oras at pera para mahanda ang mga disenyong iyon. Meron pa ngang black and red roses kunwari then a manequin with a black veil. Napaka-creative niya kasi.

Naghihintay pa nga siyang mag-isa sa rooftop. She called Aaron to come. Um-oo naman ang binata at sinabing pupunta siya.

In just few minutes she heared footsteps and it’s sounds going near to her. Natuwa siya dahil akala niya si Aaron na iyon. Pero akala lang pala,nakita niya si Paula at ang mga dakilang alalay nito. Paula tortured Sha. Pinagtulungan si Sha ng mga kasama ni Paula. Sinabunutan,sinampal sampal at tinadyakan pa. Pagkatapos ay kinulong pa siya sa restroom.

Iyon na nga ang pinaka-tragic na halloween para kay Sha. Pangit pala ang kalalabasan at mangyayari sa kanya. Paula won. Ginawa niya ang lahat para maging malapit kay Aaron. Her plan succeeded. Three months had passed before their graduation, naging matunog sa buong campus ang relasyon–,seryosong relasyon kuno nina Paula at Aaron. After their graduation. Nag-ibang bansa na si Aaron para mag-aral. Dahil richkid si Paula ay sinundan na niya ang binata.

“OMAYGULAY!” napasigaw si Jane habang nakatingin sa harap ng computer. Busy lang naman ito sa kaka-fb habang nasa bahay ni Sha. “Makasigaw naman wagas! Ano ba yan?nakita mo ba yung 1d ? Or mga kpop boybands?” dahil nakaagaw ng atensiyon ni Sha ang sigaw ng kaibigan ay nilapitan niya ito.

“Nandito na si Aaron!”

“Huh?si– Aaron?” mabilis agad ang tibok ng puso ni Sha nang marinig ang pangalan ng kanyang only love.

“Napaaga ang flight niya. Kaya nandito na siya. Di daw niya kasama si Paula. At eto pa on the way na siya sa dati nating school!”

“Talaga? Sandali lang,magbibihis na ko!” Dali-dali siyang gumayak at nagpunta sa dating paaralan niya.

AARON finally breathe the fresh air of Philippines. Kahit saan man siya mapunta ay di niya ipagpapalit ang bansang pinagmulan. Enjoy na enjoy siyang tingnan ang view habang nasa rooftop ng Midnight Sun Academy. Nire-reminisce din niya ang panahon nung high school student pa lamang siya. Hindi niya makakalimutan ang rooftop moment niya with the generous and kind girl he ever knew. Kahit na girlfriend na niya si Paula,di pa rin niya makalimutan si Sha.

“I miss her more than anything I left here.” he sighed.

“Hi Aaron!” narinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Lumingon naman siya at lumapad ang mga ngiti niya nang makita ang taong kanina pa niya naiisip,si Sha.

Nilapitan niya agad ang babae at niyakap ito.”I miss you Sha.” he said with full sincerity.

“Ah–” hindi na alam ni Sha kung anong sasabihin. Nakakakilig pala pag nakarinig ng ‘I miss you’ sa isang taong mahal mo at sinambit pa ang pangalan mo. It feels like heaven. Nakakulong siya sa bisig ng kanyang boyfriend,este friend lang pala, Special Friend.

“Kumusta ka na Aaron?ang laki mo na.” pabirong sabi ni Sha. Lumayo na siya sa binata,nakakakuryente na masyado dahil nagdikit ang katawan nila.

“Okay lang ako Sha. Eh ikaw? Siguro may boyfriend ka na ano?”

Boyfriend ba kamo? Well,bigo si Sha na makahanap ng kasintahan. Napakasimple niya kasi at masyadong focus sa career at kung may gugustuhin siyang maging first and last boyfriend,si Aaron lang at walang iba. If only he knew.

“Wala pa kong boyfriend eh.Walang nagkamali.”

“Hindi nga? Maganda ka,matalino at mabait pa. Imposibleng walang magkakagusto sayo.”

“May gusto akong isang lalake.Kaso ayaw niya sakin.May girlfriend na siya.”

“Then how far you know na ayaw niya sayo? Sinabi ba niya?”

“Pero alam ko hindi ako ang type niya.”

“Alam mo Sha. Don’t loose hope okay. Siya nga pala,next week,Saturday is my birthday already. Punta ka huh? Mauna na ako. May pupuntahan pa ako eh. Have a nice day!”

Mukhang nagmamadali si Aaron. Again,naramdaman na naman ni Sha ang electric shock matapos mahawakan ni Aaron ang kamay niya nang iabot nito ang invitation card para sa birthday nito.

She smiled. Ang tanging nagawa lang niya ay sundan ng tingin si Aaron habang papalayo ito.

 

Nakatanggap si Aaron ng text kay Paula.Di daw ito makakapunta ng birthday niya. Nakauwi na rin naman ito ng Pilipinas pero nakapagtataka dahil di ito makakapunta. Sanay na rin naman siya,lagi siyang nai-indian ni Paula. Hindi niya rin lubos maisip kung bakit pa siya na-attract rito.

“My birthday is coming. Pero parang wala namang pakialam si Paula.Ano ba talaga ako sa kanya?”

Sinisipa na lang niya ang mga dahon na natatapakan sa daan.

“SANA matuwa si Aaron sa regalo ko sa kanya.” hawak ni Sha ang maliit na paper bag at nakalagay doon,isang earphone na di namang ganun kamahal,but atleast nag-effort siya.

Sa Midnight sun Academy na naman ang punta niya sa rooftop ulit ng main building ng school,ka-close naman niya ang guard kaya pinagbibigyan siyang makapasok at saka kilala rin siya na tumutulong taon-taon kapag brigada eskwela.

Pagkatungtong niya sa rooftop ay may nakita siyang nakasulat sa floor gamit ang chalk. “Nakakalungkot,puwede ka bang maging friend?” iyon ang nakasulat at nakita niyang may piraso pa ng chalk kaya makakapagsulat pa siya.

“Oo naman,anong pangalan mo? Ako pala si Sharmaine,Sha na lang itawag mo sakin” isinulat iyon ni Sha bilang reply.

“Sino naman kaya ang nagsulat nito?ibig sabihin may iba pa palang tambay dito. Kunsabagay school nga ito.” she let out a sigh twice. Pumasok muli sa isip niya si Aaron at kung paano niya masu-surprise ito. Plano na rin niyang mag-confess ng nararamdaman niya. Pero paano? Ang numero unong kontrabida na si Paula ay nandun sa birthday for sure dahil girlfriend ito ni Aaron. At mali rin yatang magtapat pa ng feelings dahil alam niyang taken na ang binata,aware na rin siyang di siya magugustuhan nito. Masasaktan lang siya.

Sa sumunod na araw ay pumunta na naman siya sa rooftop. May panibagong nakasulat na sa sahig at burado na ang ibang nakasulat. “Secret,pero kilala naman kita. At sa totoo lang gusto kita.”

Lumaki ang mga mata ni Sha nang mabasa iyon. May tao yatang malakas ang trip?

“Okay. Gusto na rin kita.” isinulat niya.

Naisip niyang umalis muna,may lakad pa pala siya. She’s walking downstairs. Naglibot libot muna siya sa hallway ng main building. Guess who? Nakasalubong niya si Aaron sa hallway. Napahinto siya sa paglalakad. Aaron noticed her. “Hi Sha!” bati nito.

“Hello, di ko akalaing nandito ka rin pala.”

“Unexpected?”

“Oo. Akala ko may date kayo ni Paula.”

“Wala naman siyang time sakin.”

“Aay ganun ba?Bakit daw?”

“Busy. Makikipagmeet pa siya sa dating mga barkada.”

“Inuna pa niya ang pakikipagkita sa mga barkada kaysa sayo?”

“Ganun na nga.Ang sad diba?”

Hindi na umimik pa si Sha. She just look at Aaron’s face. Malungkot ang mukha nito. Kung siya lang sana ang girlfriend nito,lagi siyang may time at ipapakita niya palagi na mahal niya ito. Kung bakit kasi may mga tao pang hindi marunong magpahalaga?

 

SUMAPIT na ang araw ng birthday ni Aaron. Halos lahat ng batchmate niya noong highschool ay dadalo.

Suot ni Sha ang simpleng dress na pinahiram ni Jane. Kahit di siya ganun kaganda,ang importante lang naman ay present siya sa birthday ng mahal niya.

All people was enjoying the party. Mukha lang siyang tanga,wala siyang ibang kasama or any companion. Mga mayayaman ang mga nasa party. Pormahan pa lang kasi ay halatang may sinasabi na sa buhay.

Nakita siya ni Aaron at kumaway pa ito sa kanya. Ilang saglit lang ay nagstart na ang highlight ng party. Nakita niyang inilagay sa stage ang napakalaking box. Mukhang kasya ang tao sa tantsa ni Sha.

Nagcountdown pa ang mga tao 5-4-3-2-1

Nabuksan ang box.Nakita niyang nandun si Paula. Naka bikini lang at nagstrip dance pa. Gulat na gulat si Aaron at napangnga lang. Napaka-liberated kasi ni Paula. Nilapitan siya nito at siniil ng halik.

Lalong nadurog ang puso ni Sha sa nakita. She saw how Aaron respond to Paula’s kiss.

“Happy birthday baby!”

Paula broke their kiss at niyakap si Aaron. “I love you baby! Akala ko hindi ka na pupunta” sagot naman ni Aaron.

“Makinig kayong lahat, Aaron and I are getting married!” pagkalakas lakas ng boses ni Paula nang ianunsyo iyon.

Alam niya kasing nasa party din si Sha. She mean to say that.

Wala ng iba pang nagawa si Sha kundi ang lumisan sa Party.

 

NAGMUMUKMOK si Sha sa rooftop. Iyak lang siya ng iyak. Ang sakit talaga nang mga narinig niya kanina.

“Hindi naman naging kami pero ang sakit.” sabi niya sa sarili sabay hikbi. Nailapag niya ang regalo na dapat ibibigay niya kay Aaron. Nasa ganung ayos siya at di namamalayang may matang nakamasid sa kanya. She felt so hopeless,knowing that she and Aaron are just like heaven and earth.

 

ONE WEEK later,muling nagpunta si Sha sa rooftop. Tiningnan niya ang sahig ng rooftop at nakita niyang may nakasulat na naman at di na chalk kundi Paint. “I’m sorry. You just didn’t give time to let me explain.”

Natawa na lang siya sa nabasa at alam niyang di na para sa kanya ang vandal post na iyon. Malamang sa isang heartbroken na estudyante. Wala na rin ang naiwan niyang regalo,malamang dahil kung sinu-sino naman ang pumapanhik sa rooftop at may nakakuha na nga sa gift niya at ano ba namang alam niya? Mas gusto naman niya talagang magpunta ng rooftop kapag walang pasok sa Midnight Sun Academy. She can’t change the fact that Aaron is her true love even though she’s nothing for him.

Dapat na niyang gawin ang salitang ‘Move on.’

 

THREE months had passed since Aaron’s birthday at ilang araw na lang ay birthday na rin ni Sha. Wala ng balita pa si Sha kay Aaron,simula kasi ng pagka-heartbroken rito dahil sa announcement ni Paula ay di na niya ginawang maki-update at kahit pagsilip sa fb account ay di na niya ginawa. Marami siyang naiisip para sumaya. Maghanap ng jowa,magparty-party,at one night stand. Oo,isang kabaliwan dahil nasama pa sa plano niya ang pakikipag something-something sa di kakilala? A desperate one. Pero sa totoo lang,mas magfo-focus na lang siguro siya sa work.

“Uy Sha! Ano gusto mong gift para sa birthday mo? Si Aaron ba?” sumulpot bigla sa harap niya si Jane at pangisi ngisi pa ito.

“Hay naku Jane. Wag mo nang ibigay pa sakin ang taong ikakasal na. Ayokong maging other woman.” sagot naman ni Sha. “Ayoko na rin ng kahit anong surprise sa birthday ko. Mag o-overtime na lang ako sa work.” dagdag niya.

“Hindi nga? Baka magulat ka na lang.” makahulugang tingin ang binigay ni Jane.

“Di na ako magugulat. Lalo na kung ibabalita mong malapit na ang kasal nina Aaron at Paula.”

“Bahala ka nga diyan bye.”

Iniwan siya ni Jane at nagpatuloy na siya sa pagmumuni-muni.

 

BIRTHDAY na pala ni Sha. Katulad ng sinabi niya kay Jane,talagang nag-overtime siya. Past 12AM siya nag-out,tamang tama lang para di na siya makadaan sa Midnight Sun Academy. Di na niya naisip magcelebrate,nasabihan naman niya ang parents niya na wag nang maghanda para sa kaarawan niya at sumang ayon naman sa kanya. It’s just a normal day for her. Pasado ala una ng madaling araw siya nakauwi.

“Ma,Pa?” nakailang katok na siya sa pinto pero walang nagbubukas. Nainis siya. Napakagandang pa-birthday talaga ang patambayin siya sa labas ng bahay at malamok pa. Kalahating minuto na siyang nasa labas. Tapos na ang birthday niya. Kasalanan din niya,nagpa-late pa siya ng uwi,ang arte kasi.

Pinihit niya ang doorknob,himala! Hindi naka-lock. “Kung manakawan talaga dito,kasalanan na nila.”

Madilim sa loob,walang anumang ilaw ang nakabukas. Ginamit niya ang cellphone niya bilang ilaw.

3-2-1

Nakarinig siya ng boses at biglang nagkailaw na.

“Happy birthday Sha!we love you!”

Nasa harap niya ang mga magulang niya,ang dalawang kapatid,si Jane at si..

Hindi siya makapaniwala sa nakita. Nganga.

“Aaron? Bakit nandito ka?” nasa harap ni Sha si Aaron at napansin niyang nakasukbit sa tainga nito ang headset na regalo niya dapat at alam niyang naiwan na niya iyon sa rooftop.

“Happy Birthday Sharmaine,you look beautiful kahit halatang pagod ka.” sabi nito at naghiyawan ang mga kapatid ni Sha pati na rin si Jane.

“Ano bang ginagawa mo dito? Diba ikakasal ka na?”

“Nung birthday ko. Yun din ang date ng breakup namin ni Paula. May nagpunta kasi doong isang tao at may pinakitang video ni Paula,making out with another man. Nagalit ako,then inamin niya lahat,the setup to surprise me using the manequin with black veil,the voodoo dolls and every scary things on halloween day just to confess your feelings for me. Ikaw din pala yung nagbake nung cookies,yung nagdala sakin sa clinic. Akala ko concern ka lang dahil kaibigan kita,yun pala gusto mo ako. Naging kami lang naman kasi gumawa siya ng way para maging gf ko siya. I liked her,but I like you most kaya minahal na kita noon pa. Natakot lang ako kasi baka iwasan mo na ako. Ako rin yung nagv-vandal sa rooftop,natawa nga ako kasi sumusulat ka rin doon para masagot ang mensahe ko. Madalas kitang nakikitang pumupunta doon. Alam ko yun ang hangout mo since highschool pa tayo. At wala pa ring nagbago.Mahal pa rin pala kita. You’re the girl with a pure good heart. I love you Sha.”

Napakahaba ng sinabi ni Aaron. Pagkakataon na rin ni Sha na magsalita,tuloy na ang confession!

“Pangalawang beses ko na tong aamin. I mean pang una palang yata,okay! I consider it as my second confession na nga lang! Oo mahal kita Aaron at sa five years na lumipas,ikaw pa rin talaga! Umamin na rin ako! So ano na?” nangingilid sa mga mata niya ang luha.

“Would you be my wife? I mean, my girlfriend?” sumulyap pa sa mga magulang ni Sha si Aaron saka ngumiti.

“Don’t worry. Before I said everything,sinabi ko muna kina tito at tita. I told them na liligawan muna kita. I love you Sha.” dagdag pa ni Aaron. He kneeled.

“Tumayo ka na,manliligaw ka pa lang diba?” Sha laughed.

Aaron stood up. He kissed Sha on the forehead. Nagsipalakpakan ang lahat. This is the best birthday for Sha. No more ‘finding a bf’, ‘night party’ and ‘one night stand’ on her thoughts. Finally,gagawa na siya ng new thoughts and dreams with Aaron.

The rooftop helped them to realize what they feel for each other. Yun na rin ang magiging common place pag magdi-date sila.

-END

Ako si Michelle Erbito, dalawampu’t isang taong gulang,ipinanganak noong ika-labing anim ng arso taong 1994 na kasalukuyang nakatira sa Quezon City. Isa akong Associate Graduate sa kursong Computer Science sa Asian Institute Of Computer Studies. Panganay sa tatlong magkakapatid. Namumuhay lang ako ng simple. Mahilig akong magbasa, kumanta at magsulat ng kwento. Marami akong goal sa buhay, sabi nga ng mga magulang ko,kailangan ng pagtatiyaga at pagsisikap para maging matagumpay. Ako yung taong tahimik at malimit lang kung magsalita. Bihira lang ako makipag usap,pakiramdam ko nasobrahan ako sa pagiging tahimik o mahiyain lang talag siguro ako,pinipilit kong makibagay at makisalamuha sa mga taong mahirap i-handle. Nilalawakan ko ang pang unawa ko kahit na minsan may mga taong di makatarunagn sa kapwa nila.

Isa sa mga pangarap ko ay makatulong sa mga kapatid ko bago ako pumasok sa buhay ng pag aasawa. Ngayon na nagtatrabaho na ako,nakalaan ang sinasahod ko sa pagpapaaral sa kanila. Minsan,nai-imagine kong aangat kami sa buhay,magiging successful sa career at magkakaroon ng sariling negosyo. Pangarap ko talagang magtayo ng negosyo,naisip ko kasi na hindi naman habang buhay pwede akong magtrabaho,nag-iipon ako kahit sapat lang sa pangangailangan ko ang kinikita ko bilang encoder.

Malaki ang pananampalataya at takot ko sa Diyos. With him,everything is possible. Kasama na sa bucket list ko ang dream ko na maging professional writer,alam ko ginagabayan ako ng Diyos para matupad iyon.

 

Related posts:

Related Posts

Leave a Comment